Tuesday, February 12, 2013

Alyas Juan Dela Cruz


Kapag may pera ka, inuuna ka; kapag wala, e sorry ka na lang. Ganyan sa hospital na pampubliko o minsan pati rin sa mga pribadong ospital. Ang pinipili lang ng mga doctor ay ung may mga pera, iilan na lang ang doktor na walang pinipili; ung may compassion o malasakit para sa kapwa. Katulad na lang ni Dr. Riego, at nawaý maging katulad tayo niya, lalo na sa mahihirap. Hindi porke’t hindi natin kilala, ka ano ano, kaibigan, o kahit kaaway pa man natin yan, mag malasakit sa kapwa. `Yan ang katangiang kailangang meron tayo lahat. `Yan ang katangiang hinihiling ng Panginoong na matutunan nating lahat. Pero mukhang bibihira o sadyang pa ubos na ang mga taong ganyan. Tingnan na lang natin ang ating kapaligiran, iba’t-ibang klase ng tao, iba’t-ibang katangian at iba’t-ibang estado sa buhay. `Yung iba kase, makasarili. Walang iniisip kundi ang sarili nila, oo, hindi maganda ang manghusga at bawat bagay ay may dahilan, ngunit, hindi naman tama na sobra. Wala namang ikakasama ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa, sa katunayan nga, makakabuti ito sa personalidad natin at mas lalong makakabuti ito sa mga taong maari nating matulungan.
Maraming responsibilidad ang isang tao at huwag na huwag natin itong ipapaubaya sa iba. Wala nang maaasahang tao ngayon. Kailangan nating tumayo para sa sariling nating mga paa at gawin ang mga bagay sa ating sariling paraan. May iba namang bagay na kailangan natin gawin ngunit, sa ibang paraan kailangang gawin, kumbaga, hindi iyon ang paraan kung paano tayo gumawa o magtrabaho. Pero, kailangan e, kailangan natin tanggapin ng buong puso at walang pag-aalinlangan, kasi, minsan, ang mga bagay na ayaw natin ay `yung makakabuti pa sa atin at may mga bagay naman na gusto natin pero ito pa `yung makakasama sa atin. Ironic, diba? Pero, bibihira lang `yan mangyari. Ang nais ko lang sabihin ay tanggapin ang kung anong ibigay ng Poong Maykapal. Huwag kwestiyunin ang bagay na galing sa Kanya. Sa ikabubuti natin `yun, oo, hindi pa siguro ngayon, pero, balang araw, makakabuti rin iyon sa iyo. Maghintay lang at mag tiwala sa Kanya. Hindi Niya tayo pababayaan.
Mapait ang realidad. Mahirap. Masakit. Nakakapanghina. Nakakawalang-gana. Nakakawalang pag-asa. Hindi mahulaan. Mapangraya. Tama ba? Oo naman diba? Tandaan natin: Kailanman, hindi natin ito matatakasan. Maari nating itong matakasan pero sa kaunting sandal lamang. May mga pangyayari lang na sadyang`di natin inaasahan. Pero, huwag tayong susuko. Huwag mawalan ng pag-asa. Magpatuloy pa rin tayo at ipaglaban kung anong tama. Pero, siyempre, kailangan din nating mag-isip, kasi sa bawat hakbang na ating tatahakin,  may mga tao tayong masasaktan. Hindi `yun maiiwasan. At sa paghakbang na ito, punong-puno ito ng sakripisyo. Sakripisyong gigimbal n gating buhay pero huwag sana itong maging dahilan ng ating pagsuko. Kasi, kapag sumuko tayo agad, saying lang ang mga sakripisyong nagawa natin. Ang paniniwala ay ginagawang possible ang lahat.
May mga taong sasaktan tayo o mga taong walang puso na ikinagagalit natin. Pero, sana, huwag tayong magtanim ng galit sa kanila. Ang mas mabuti ay ipamukha natin sa kanila ang kanilang pagkakamali at patunayang nagkamali sila at nagkasala. Hayaan na nating ipaubaya sa Diyos ang kanilang kasalanan. Sa pagtatanim ng galit, walang mabuting maidudulot.
Huli na, magkakapatid tayo. Mahirap man o mayaman, hindi `yan mahalaga. Sa mata ng Diyos, magkakapatid tayo at dapat magmahalan tayo. Kung mangyayari ito, magiging maligaya ang lahat at maari nating mabago ang mapait na katotohanan.
Posted: 002012013

No comments:

Post a Comment